Monday, January 08, 2007

coming of age

after turning 25, feeling ko ang tanda ko na.. haha mid twenties na, after 2years late twenties and later my age will not be included in the monthly days in the calendar.
shessh! bat feeling ng mga tao, ang legal age ay parallel sa marrying age. hay.... like pag legal age ka na malapit ka na mag-asawa.

like 2 weeks ago, someone asked me "Kelan ang kasal?" hmmm and this time it wasn't Zee or Des na nangungulit. Ah... I could just politely smile... yesterday naman, yung isang churchmate ko, binati yung ring ko with a question, "Ano yan, engagement ring?"... so I could only say no with a smile. Hehe yung ring na binati nya is the silver ring I bought in Baguio almost 2 years ago. Since nung binili ko yun, lagi ko naman soot yung ring pero ang weird na kahapon napansin nya, at naisip pa nyang engagement ring yun...

wahhhh ibig sabihin lang ng mga pangyayaring ito... tumatanda na ko... sheeesh, i just hope it doesn't show on the face... hahaha

this doily was made @ 10:16 AM   0 Comments
Comments: Post a Comment




Wednesday, January 03, 2007

DJ's Ninang

Dedication ni Daniel Joseph H. Villanueva kahapon.... bagong dagdag sa aking mga inaanak. Hehe ok lang naman kasi close ko naman talaga yung parents nya kahit nung singles pa sila. The day was nice dahil nagkaroon din ako ng opportunity na makipag-bonding sa mga singles sa church. Hehe nag-bonding kami sa MOA at nanood ng Kasal, Kasali, Kasalo with Juday and Ryan.. Hay ang masasabi ko lang ... "Ang cute ni Ryan Agoncillo" whahahah.. the movie was nice, feel good sya kasi happy ending at di mo kailangan pag-isipan kung ano ang mga susunod na magyayari. Pero while watching, mapapaisp ka about life, kasi yung mga problems na hinarap nila dun, totoong nangyayari, as in in one way or another may factor na ganun sa bawat relationship. As in bawat relationship...

After the movie kinareer ko na ang pag-gala, pumunta pa ko ng greenhills, dun kami nag-dinner ni Mike tapos umikot kami sa Tiange dun. Hehe nakakatuwa nakabili ako ng slippers at Maong na blazer ^_^

this doily was made @ 9:37 AM   0 Comments
Comments: Post a Comment




Monday, January 01, 2007

Happy New Year!

bumili si Tatay ng second hand bike kaninang umaga dun sa tindahan ng mga surplus bikes from Japan. Kaya ayun, kaninang hapon nagpunta kami dun sa nearby memorial park.. haha, dun kami nagpractice ng bike at nag-badminton. Mejo mahal sya for being second hand, 2,800Php sya, medyo mahal pero ok na rin kasi nagagandahan naman ako. yung bike may dynamo na rin sya tapos may busina na katulad nung nagtitinda ng binatog kapag mirienda time hihihi

for the record, kagabi ako nakapag-send ng first MMS galing sa phone ko.. hay na-activate ko din, hehe hindi ko kasi alam na dapat kong ilagay yung profile to GPRS.. sheesh!

this doily was made @ 11:51 PM   0 Comments
Comments: Post a Comment