Saturday, November 26, 2005

Account of the Operation

Leave ako kahapon kaya buong araw kong naihanda ang sarili ko sa pagpunta sa doktor kanina. hehe

Sinamahan ako ni Mike since naka-leave sya today. At ayun, natutulog sya sa sofa sa loby ng hospital habang inooperahan ako.

Pagpasok ko sa room before sa operating room, pinahubad ng nurse ang shoes ko at binigyan ako ng sleepers, gown at hair cap. Hubarin ko daw ang mga damit ko at isuot yun. Tapos pinapasok na ako sa OR. Weird ng feeling, akala ko kasi minor surgery na parang sa table lng ng doktor ako ooperahan. Nung pinahiga na ako sa operating table, lalo akong na-creep out. Tpos pinuna pa nung isang nurse na may pedicure ako, kapag daw i-cauterize ako, tatanggalin daw nila yung nail polish ko. Ngek napaisip naman ako, "wahhh... bat naman ako iko-cauterize??!"

Mga ilang minuto pa, pumasok na yung doctor at sinimulan na nya ang procedure. Kahit na pwede kong makita kung ano ang ginagawa nya sa kamay ko, i opt not to look. Pero after 20mins ata, itinuturo na nya sa akin yung sac ng cyst. Hmmm, nde naman pala masyadong creepy. Less that 1cm lang ata yung cut, at meron akong 2 stitches.

One hour yung operation. Lumabas ako na may bandage ang kamay ko.

Nagpunta kami ni mike sa Ayala for lunch, at para bumili ng gamot (antibiotic at pain reliever). Nde ko pwedeng galawin ang kamay ko. Wish ko lang nde ako mahirapan mag-work sa monday, dahil late na mag file ng leave kung sakali.

this doily was made @ 4:30 PM 
Comments: Post a Comment