Wednesday, March 16, 2005

sinong sisisihin

naisip ko lang, ano kaya ang masmaluwag sa loob na sitwasyon? yung masabi mo sa sarili mo na "Ang tanga ko talaga, alam ko nang palikero, nagpaloko pa ako!" or yung itatanong mo sa sarili mo, "Bakita nya ko niloko?" after a relationship has gone wrong.

Kapag pinili mo yung una, pwedeng mas-maluwag sa loob dahil ang sisisihin mo ay ang sarili mo dahil alam mo mula simula na capable of cheating yung other person. Pero kung magka-trauma ka naman pwedeng di mo na pagtitiwalaan ang sarili mo sa pagpili dahil iisipin mo na baka nag-papauto ka na naman.

Kapag yung pangalawa naman, pwedeng mas-mabuti dahil at least alam mo it's not you, it's the other person. Kaso kapag na-trauma ka rin dito pwedeng ang iisipin mo na eh, lahat ng tao kagaya nyang cheater!

hehe kapag cheating pala ang pinag-usapan na may involved na third-party, pwede ring ibunton sa third-party yung sisi. like "kung hindi kasi sya lum*ndi eh di maligaya pa kami ngaun". hehe kapag naman ganun, takot ka na sa lahat ng opposite sex na mapapalapit na significant other mo. Kumbaga wala ka nang pagtitiwalaan.

hmmm.. whichever the case... sobrang sama talaga ng naidudulot ng heartbreak. hehe syempre mega-super exaggerated yung illustrations sa itaas. wala lang naisip ko lang ... tsk..tsk

this doily was made @ 4:08 PM 
Comments:
hmm........reghz ha...ano 'to? /:) *taas kilay* wehehehe...
 
Post a Comment