Tuesday, October 19, 2004

Updates

hay, naawa naman daw ako sa blogspot ko nung napansin kong wala na akong matinong kwento... medyo bored lang talaga ako ngayon at medyo simpleng bagay lang ang pinagkakatuwaan kong gawin kaya parang di ako excited na ikwento pa sila.

*** SUN Sim ***
Yep! Got my SUN Cellular sim last Saturday. Last Thursday actually eh nandun ako sa Sun sa Megamall to buy simcard kaso mejo naaliw yata ang Pilipinas sa promo na 24/7 ng Sun kaya nagkakaubusan na ng sim. I was there ng 7:30 tapos sabi nung girl sa cashier out-of-stock na ng sim, bukas na lang daw ulit. *how saddd )= * kaya ayu, nung Friday, Mike went to Megamall to buy the sim tapos he handed me my sim card nung Saturday. Sobrang natutuwa ako sa 24/7 free trial for new subscribers. Yun nga lang the supposedly 30minute threshold is just 15 minutes. bale every 15 minutes napuputol ang call then tatawag ulit ako hehehe. sa mga naka-sun/ may sun # jan, text nyo ko sa Smart number ko para may ka-telebabad ako

sa sobrang enjoyment ko eh bumili pa ako ng headset kahapon para sa phone ko. ganitong-ganito ang intsura ña pero mine is blue ^_^ yung wire is wrapped around kaya para syang yoyo..

*** Megamall mala-Palengke nung Saturday ***

Syempre nasa megamall ako nung Saturday dahil sa 3-day sale. Kaso, hello?! sobrang dami pong tao! Sa pagkaka-alam ko eh aside from Megamall, there are other SM outlets on 3-day sale for the weekend, pero mukhang ang Megamall ang prefered ng mga tao. Nakakatakot pa naman kapag ganyan kasiksikan eh yung madukutan ka. Kaya ka nga nasa-sale para makatipid tapos madukutan ka pa noh?! Sheesh, syempre pa may trauma na ako sa siksikan dahil may danger din na mag-take-advantage ang mga maniac on the loose (whehehe) wala rin akong matinong nabili aside from a brown pants sa Bench hehe balak ko kasi, mag early Christmas shopping na sana while naka-sale pa pero.. hay.... baka November nalang...


*** Hair Cut ***


I'm planning to have my haircut later this afternoon. Dapat kasi kahapon kaso di daw pde yung maggugupit sa akin. Since high school eh mahaba na ang hair ko. Di ko naman mapaputol ng maiksi kasi baka naman i-regret ko lang. Mahirap naman kasi sanay na ako na may ipo-pony-tail hehe. I want a shoulder length as the shortest, I just want the haircut naman only because madami na akong falling hair. hehe takot naman daw ako makalbo at my thirtys hehe. My hair isn't that long... to give you an idea, this was taken September 5 (last month)


** according sa nabasa ko it's normal to loose around 50 strands of hair per day.

this doily was made @ 3:25 PM 
Comments:
waaah! namiss ko na megamall! at miss ko na bench fix. naalala ko kasi sabi mo papahaircut ka. david's lang kasi meron sa baguio. naks, social. hehe. ;)

enjoy reghz!! free ka weekend? baka coffee kami ni shelley. kung tuloy ako pagbaba. tulong na rin, san ako pwede mag-apply jan sa manila? i'll be bringing a bunch of resumes this weekend.
 
Post a Comment